Christian Bables may patutsada sa mga kumikwestiyon sa kasarian niya, "To set the record straight..."
- Sa kaniyang twitter account ay naglabas ng saloobin ang kapamilya actor na si Christian Bables
- Kaugnay ito sa mga patuloy pa rin na kumikwestiyon sa kaniyang kasarian
- Prangka na nitong sinagot ang mga patuloy na nagkaka interesado sa tunang niyang gender
Tila napuno na at hindi na ikinatutuwa ng kapamilya actor na si Christian Bables ang mga patuloy na kumikwestiyon sa kaniyang kasarian.
Sa kaniyang twitter account kasi ay nagbahagi ito ng tweet na pagkainis kaugnay sa mga interesado sa kasarian niya na para raw umanong kailangan nilang malaman ito dahil bahagi ito ng kanilang araw araw na pag hinga.
"Nakakatawang interesadong interesado kayong malaman kung ano ba ang “tunay na gender” ko, na para bang parte yun ng bawat pag hinga at pag utot niyo. Ok to set the record straight, TOMBOY po ako. Kung hindi pa kayo maniwala, ewan ko nlng mga hinayupak kayo. Good night mga vuhkla," paunang tweet niya.
Sinundan niya ulit ito ng ibang paliwanag kung saan ay 2023 na at sana'y mag evolve na ang marami kaugnay sa Gender Stereotyping.
"Kidding aside, mami naman! 2023 na! Sana mag evolve kasama ng panahon ang brains natin. What you’re doing, my friends, is GENDER STEREOTYPING. Ibig sabihin naka kahon parin kayo sa nakaugaliang standards ng kung ano “lang” dapat ang kilos at itsura ng lalaki at babae. Salot yan."
"This will be the LAST time na papatulan ko ang kamangmangan na ito. Let’s put it this way, WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. Don’t ask for an explanation coz the world doesn’t revolve around you and your ego. Basta wag kakalimutang rumespeto. Piliing umunawa kesa sa makapanakit. Oki?"
"Imagine how excruciating it is for someone to be mocked and to be made a laughing stock, just because of their looks and their made up as a person na hindi pumasa sa standards at ego ng mga kagaya mong utak munggo. Itigil mo yan. Para bago ka mamatay, fresh ka gagu," sunod sunod na tweet pa niya.
Hinimok na lamang niya ang marami na mabuti'y pag-usapan na lamang ang craft niya as an actor.
"Now let’s talk about my craft as an actor, anong gagawin ko? Hindi ko nalang gagalingan sa mga roles na binibigay sakin para lang pumasok sa standards mo ng pagiging straight na animal ka? Nope. NEVER GONNA HAPPEN. Watch Signal Rock on Netflix. Sarap mong takungin sa cornea eh," pang huling tweet niya.
Nakilala si Christian Bables dahil sa mga acting awards niya mula sa mga mahuhusay niyang pag ganap sa mga pelikula at teleseryes, kabilang na rito ang ilang roles niya bilang bading.
Kamakailan nga lamang ay nagwagi muli ito sa The Eddys bilang Best Actor dahil sa mahusay niyang pag ganap sa pelikulang 'Big Night'.
No comments: