Isang Modus Upang Magmukhang Sariwa Ang Mga Bulok Na Isda, Nabuko Ng Mga Awtoridad


Sa isang Facebook post, ibinahagi ng ilang netizen ang isang video kung saan, makikita ang umano�y modus ng mga nagbebenta ng isda upang magmukhang sariwa ang mga nabubulok nang isda at nang maibenta pa.

Nakunan umano ito sa isang tindahan sa bansang Kuwait. Matapos maibahagi ang naturang video, naging trending agad ito at naging dahilan naman upang umabot sa mga awtoridad ang naturang modus.

Kaya naman, nagsara na umano ang naturang tindahan matapos imbestigahan at mapatunayan ang paglabag nilang ito ng mga awtoridad.

Isa sa mga paraan upang malaman kung sariwa pa ba ang mga panindang isda sa palengke ay tingnan ang mga mata nito.

Kapag manilaw nilaw na ito ay indikasyon na umano ito ng pagkabulok ng isda. Maaaring ilang araw na umano ang nakalipas mula nang mahuli ito sa dagat.


Kaya naman, dahil sa ang mata ang isang indiskasyon upang masabing sariwa ang isang isda, isa sa mga modus umano ng mga tindera ay ang paglalagay ng pekeng mata na kagaya ng mata ng isang sariwang isda.

Ginagawa umano nila ito upang matakpan ang manilaw-nilaw at maputla nang mata ng isang bulok na isda. Sa ganitong paraan, magmumukhang sariwa ang naturang mga isda.

Sa video, makikita rito ang ilang mga isda na animo�y ang sari-sariwa. Maganda ang mga mata nito na isang indikasyon ng pagiging sariwa nito.

Ngunit, nang galawin ang naturang mga mata, natanggal agad ito at tumambad ang tunay na mata ng isda. Tumambad rito ang mga matang kita kung gaano na kabulok ang naturang mga isda.

Kapag hindi naging maingat ang isang mamimili, talagang maloloko ito ng mga tindera upang bilhin ang animo�y sariwang mga isda.

Maliban sa modus na ito, mayroon pa umanong isa pang panloloko na ginagawa ang naturang mga tindera sa video.

Upang maging mabigat umano ang timbang ng naturang bulok na mga isda, nilalagyan lang naman umano ng kuko ang loob ng mga isdang ito.

Bukod sa bulok na ang mga isda, ang naturang modus ay nakadagdag rin sa pagiging madumi na ng mga isda.

Kaya naman, lubhang delikado para sa lahat ang maloko ng mga tinderang gumagawa ng mga ito sa kanilang panindang mga isda.


Ayon sa nagbahagi ng naturang video, mabuti na lamang ay inimbestigahan agad ng Kuwait�s Ministry of Commerce and Industry ang naturang mga modus.

Kaya naman, nang mapatunayan ay agad nang naipasara ang mga tindahang gumagawa ng naturang mga panloloko.

Kapag bumibili ng isda, siguraduhin na sa isang mapagkakatiwalaan at malinis na tindahan lamang bumili.

Kapag naloko o nakabili ng mga ganoong klase ng isda, inilalagay nito sa peligro ang kalusugan ng lahat ng makakakain nito.

Hindi biro ang maaaring maging dulot ng mga isdang bulok na ito sa kalusugan ng isang tao. Ayaw naman ninuman na malagay sa alanganin ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay dahil lamang hindi naging alerto sa pagbili ng makakain.

Kapag pagkain na ang pinag-uusapan, laging maging alerto at mabusisi sa pagpili at pagbili nito.

Source: nationspress

No comments:

Powered by Blogger.