Dismayado at Nagalit: idol Raffy, umatras na sa pagtulong kay Michelle Lhor


"Hindi na, nadulas na kayo, hindi na." -idol Raffy Tulfo

Nagbago agad ang pasya ni Michelle Lhor sa hamon nitong magpa-drug test at lie detector test kahapon. 

Sa final episode ng Tekla Serye sa Raffy Tulfo in Action sinabi ni Michelle kay idol Raffy na ayaw na umano nitong magpa-drug test at lie detector test.

Ayon kay Michelle,  iniingatan lang umano niya ang kanyang kalusugan dahil may binat siya. 

Sinabi din niya na tiyahin niya umano ang siyang may ayaw na ituloy ang test.

Dahil dito, napagtanto ni idol Raffy na tila mayroon tinatago ang dating live-in partner ni Super Tekla.

"Meron ka talagang itinatago, you're lying!" sabi ni Tulfo

Dahil dito umatras na si idol Raffy Tulfo sa mga tulong na ibibigay niya sana sa pamilya ni Michelle.
 
Mapapanood ang pag-uusap ni idol Raffy at Michelle sa umpisa ng video:

No comments:

Powered by Blogger.