Video na makikitang sinasaway ni Tekla si Michelle habang nagve-vape trending online


Trending ngayon  sa Facebook ang video ni Tekla at Michelle na magkasama habang nasa kanilang tirahan.

Sa video makikita na kumakain sila at maya-maya'y biglang nagbuga si Michelle ng usok mula sa vape nito.


Agad naman sinuway ito ni Tekla, lalo na't may baby sa loob ng kanilang tahanan.

Makikita din sa video ang kapatid na babae ni Michelle na nakaupo at gumagamit ng cellphone nang sabihan ni Tekla na maglinis naman ito.



"Wala kayong ginawa kundi mag mobile legend, dyan nauubos ang oras niyo imbes na magligpit kayo, nakaka-istorbo ba ako sa inyo? Maglinis naman kayo ano to puro kalat?" sabi ni Tekla.

Narito ang post: 

"Aminado ako isa ako sa mga taong nagalit agad kay TEKLA nung lumabas yung issue nila ng kinakasama nya sa show ni Sir Raffy !
Pero after ko mapanuod tong video nato naawa ako kay TEKLA
Kayo na humusga !!!"




No comments:

Powered by Blogger.