Angel Locsin, sinermonan ang DepEd kaugnay sa module na tinawag siyang Obese


Humingi na ng paumanhin ang DepEd sa aktres na si Angel Locsin dahil sa isang learning module na kumutya sa pangangatawan ng aktres.

“Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in Mang Inasal fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television and does not have any physical activities,” sabi sa viral na module. 


Ayon DepEd sa Occidental Mindoro, ang module ay gawa umano ng isang MAPEH teacher mula sa lalawigan at hindi dumaan sa quality asusrance ng Central Office ng ahensiya.

"We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed by this incident,"

"The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, ad hominem or any similar act of bullying both in the physical and virtual environments," pahayag ni Roger Capa ang division superintendent ng DepEd sa Occidental Mindoro.

Sa Instagram account ni Angel, sinagot niya ang apoogy ng DepEd at pinuna na tila hindi apektado ang ahensiya na nagtuturo ng maling pag-uugali ang guro.

"Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?" sabi ni Angel.

No comments:

Powered by Blogger.