Apartment ni Kris Aquino nagmistulang supermarket matapos niyang mag "drunk buying"


" I’m on high dosage, so sometimes kung anu-ano binili ko and then I realize, ‘Oh my god, lahat ito nabili ko?'” -Kris Aquino



Nagmistulang isang mini supermarket ang dining area ng apartment ni Kris Aquino sa Bonifacio Global City kung saan siya at ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby, ay kasalukuyang naninirahan.

Inihayag ng sikat na host at dating aktres na si Kris Aquino na nagulat na lang siya sa mga nangyari pagkatapos ng kanyang “drunk buying”. 


Tulad ng karamihan, si Kris ay nag-online shopping din dahil sa pandemya.

Pero bakit marami siyang binili?

“Drunk buying,” at ayon kay Kris, ang pangyayaring ito ay madalas na nangyayari kapag nakakainom siya ng mataas na dosage ng kanyang mga gamot. 


“Funny, because sometimes I forget and really I’m on high dosage, so sometimes kung anu-ano binili ko and then I realize, ‘Oh my god, lahat ito nabili ko?'” sabi ni Kris. 


"So now, there's such a thing, right, as 'drunk texting' and 'drunk calling.' There's also such a thing as 'drunk buying.'" dagdag pa niya.




No comments:

Powered by Blogger.