Claudine Barretto, Sinugod sa ospital!

Sa kanyang Instagram, nagbahagi ang aktres na si Claudine Barretto ng ilang mga video kung saan makikita na nasa loob ng ospital ang aktres.

Ayon kay Claudine kinakailangan operahan ang kanyang kanang kamay kung saan nagkaroon ito ng fracture.

Matatandaang naiulat na nagkasakitan sina Claudine at ang ate niyang si Marjorie Barretto sa burol ng kanilang namayapang ama, kaya siya unang na-ospital noon.

Di nga inaakala ni Claudine na aabot pa ngayon sa pag-papaopera ang tinamo nyang injury sa kanyang kamay.

Humihiling siya ng panalangin mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga para sa kanyang agarang paggaling.


No comments:

Powered by Blogger.