‘Di Ko Kayang Tanggapin’: April Boy Regino, pumanaw na sa edad na 59

Pumanaw na ang novelty singer na si April Boy Regino. 

Ito ay kinumpirma ng kapatid ni April Boy Regino na si Vingo Regino ang malungkot na balitang pumanaw na ang kanyang kuya. 

Ibinahagi ni Vingo ang malungkot na balita tungkol sa kanyang kuya ngayong araw ng Linggo, November 29, 2020 .

Nakakalungkot naman ang araw na ito..wala na ang kuya april boy ko...vingo regino

Posted by Vingo Regino on Saturday, November 28, 2020

Pumanaw ang mang-aawit na unang sumikat noong dekada '90 sa edad na 59 taon.

Ayon sa report acute respiratory failure ang ikinamatay ng 59-year-old Jukebox Idol na binawian ng buhay kaninang alas tres ng madaling-araw, November 29, 2020, sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center, Antipolo City.

Ilan sa mga pinasikat na awitin ni April Boy ay 'Di ko Kayang Tanggapin, Esperanza, Sana'y Laging Makapiling at marami pang iba.


No comments:

Powered by Blogger.