Hipon Girl, naiyak sa tulong na ibinigay ni kuya Wil matapos masalanta ng Bagyo


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl sa kanyang vlog na ang bubong ng kanilang bahay ay nasira dahil sa super typhoon Rolly.

"Bakit nga ba ako nag-house tour? Kasi sa YouTube maraming nakikitang mga pekeng bahay ko daw, mga mansyon, may sasakyan. Hindi po sakin yun," sabi ni Hipon Girl.

Inilahad niya kung paano tinulungan siya ng host ng Wowowin pagkatapos ng bagyo.

"Speaking of Wowowin, nabagyo po kami ng bagyo Rolly. Nabutas po yung bubong namin, nalipad po yung isang kalahati po nung yero." 


"So nakarating po kay Kuya Wil at binigyan niya po ako ng 20,000 cash."

"Sinabi niya dito pampaayos daw ng bubong. Ayan, thank you so much po kay Kuya Wil sa 20,000 na binigay niya. Kuya Wil, maraming salamat." 


Naging emosyonal si Herlene dahil patuloy na tinutulungan sila ni Willie kahit na hindi siya bahagi ng palabas na 'Tutok To Win'.

"Kahit po wala ako dun sa Tutok To Win, tuloy tuloy pa rin po yung ano niyo, pagbigay niyo sakin ng tulong."


Ibinahagi din ni Herlene na nagpadala sa kanya si Willie ng tablet para sa kanyang online class.

Panoorin ang video sa ibaba:



No comments:

Powered by Blogger.