Kuya Wil, kakasuhan ang nagpakalat ng fake news post patungkol sa kanya sa social media
Sa kaniyang programang "Wowowin-Tutok To Win," ipinakita ni Kuya Wil ang screenshot ng naturang post na makikita ang kaniyang larawan at may mensahe tungkol sa pagbebenta ng sasakyan para ipangtulong sa mga naghihirap na tao.
Pero paglilinaw ni kuya Wil, wala siyang kinalaman sa naturang post.
"Wala po akong sinasabing ganyan. Kung sinuman ang gumawa pinapahanap na namin 'yan sa NBI," sabi ni Kuya Wil.
Kinausap na raw niya ang abogado ni Senador Bong Go at ipinaalam niya na wala siyang binabanggit katulad ng nakasaad sa post.
"Kung sino ka man, pinapahanap ka na namin. Wala kayong ginawa kundi manira ng kapwa n'yo, "Baka magalit sa akin ang pangulo." giit ni Kuya Wil.
No comments: