Mag-ina na tinanggihan ng mga ospital dahil walang pambayad kinaawaan ng mga netizens
"Kasi daw po yung mga pinuntahan nilang ospital tinanggihan sila kasi wala silang pambayad."
Makikita sa larawan na inaalalayan ng ina ang kanyang mukhang may sakit na anak habang sila ay nakasakay sa MRT.
Ayon kay Manilyn, ipinakita umano sa kanya ng ina ng bata ang nakalabas ang bahagi ng bituka ng anak nito, hindi raw makakain ang anak dahil sa tuwing may isusubo ito ay agad niyang niluluwa.
Kwento pa ng ina na nakailang ospital na umano sila ngunit walang tumatanggap sa kanila ni isa sa kadahilanang wala umano silang perang pambayad.
Narito ang post ni Manilyn:
"Sobra po ako naaawa sa anak ni ate nakasabay ko sya as MRT.
Nakita namin yung bata na parang nanghihina at parang may sakit na nararamdaman.
Pinakita samin nung nanay nya na yun palang bituka nung bata nakalabas, hindi na makakain lahat ng kinakain nasusuka nya na.
Ngayon po tinanong namin si ate san sila pupunta nung anak nya sabi nya sa ospital ng Pasig magbabakasakali na tanggapin yung anak nya, kasi daw po yung mga pinuntahan nilang ospital tinanggihan sila kasi wala daw sila maiipangbayad sa ospital.
Sobra pong nakakaawa na yung bata kasi lakad lang daw sila simula Parañaque.
Sa mga nakakaluwag luwag po o angat sa buhay kung sakali po na gusto nyo sila matulungan tawagan nyo lang po si ate Rosemarie ang nanay po ng batang ito. CP# po nya 09262872534. Sana po ay matulungan natin sila.😥😥😥😥"
Sobra po ako naaawa s anak ni ate nakasabay ko sya s mrt, nakita namin yung bata n parang nanghihina at parang may sakit...
Posted by Manilyn Palad on Sunday, November 8, 2020
No comments: