Malacañang sinuspinde ang Gov’t work, klase sa mga public schools sa Luzon sa Biyernes Nov. 13



Sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno  at mga klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan  sa ilang lugar sa Luzon bukas, Biyernes, ika-13 ng Nobyembre dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Narito ang mga lugar na sakop ng suspensyon:
  • National Capital Region
  • Region I
  • Region II
  • Region III
  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Bicol
  • Cordillera Administrative Region
Gayunman, magpapatuloy pa rin sa operasyon ng mga ahensya na may kinalaman sa basic at health services, at disaster preparedness and response. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. 

Ipinauubaya naman ng Malacañang ang pagsuspinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya, tanggapan at mga paaralan sa kanilang pamunuan.

“We leave the suspension of work for private companies, offices and schools to their respective heads’ discretion,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque. 

No comments:

Powered by Blogger.