Mas Malaking Sakuna kung hindi nagpakawala ng tubig ang Magat Dam ayon sa NIA
Pinaliwanag ni National Irrigation Administration Administrator Ricardo Visaya nitong Lunes na kinailangan magpakawala ang Magat Dam ng tubig mula noong nakaraang linggo sa gitna ng malakas na ulan mula sa Bagyong Ulysses upang maiwasan ang pagguho ng dam at maging sanhi ng isang mas malaking sakuna.
"Ang laki ng ating reservoir ng Magat [Dam] is about 4,800 hectares. 'Pag ito ang na-break, lumampas sa spilling level na 193 meters above mean sea level, mag-spill po 'yan. Masisira po 'yan at milyon-milyon po na tao ang maaapektuhan," sabi ni Visaya sa isang interview.
Ito ang naging tugon ng hepe ng NIA sa mga batikos na ang pagpapakawala ng tubig ng dam ay nagdulot ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela mula pa noong huling linggo.
Ang Magat Dam ay nagbukas na pitong gates noong Nobyembre 12 at nagpakawala ng tubig na katumbas ng 106.223 na laki na Olympic-sized swimming pools, o humigit-kumulang na dalawang mga swimming pool bawat segundo.
"Meron tayo mine-maintain na safety level. It should be below 193 meters above mean sea level. Kung ano dapat ang inflow should also be the outflow," sabi ni Visaya.
Ayon pa sa opisyal na naggagaling din sa mula pa sa Ifugao at Nueva Vizcaya ang mga tubig na napupunta sa Magat Dam, kaya kahit hindi direktang tinamaan ni Ulysses ang lugar ng Magat dam at tuloy-tuloy parin ang pagpasok ng utubig sa dam.
"Ang Magat reservoir natin doon pumupunta ang walong tributaries. Doon sa Ifugao, mga tatlong rivers, atsaka Nueva Vizcaya, lima 'yan. Hindi natin ma-control 'yan. Kaya inu-unti-unti natin 'yung pagpapalabas ng tubig," sabi ni Visaya.
"However, noong November 12, hindi nag-landfall 'yan sa Isabela ang Ulysses, but ang daming tubig na pumapasok sa Magat Dam. So anong gagawin natin diyan? So sinusunod natin 'yung protocol," dagdag niya.
"Hindi kami makapagpalabas without the advice ng PAGASA. Actually, sa mga pre-releases, na-advisan kami ng PAGASA na nasa preemptive stage na at kailangan nang magpakawala," dagdag niya.
No comments: