Mga Psychic nag-aalala sa sakunang magaganap bago matapos ang taong 2020

Sa pinakahuling episode ng programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ ang mga sikat na psychic sa bansa na sina Hayi ‘Mamu’ Cruz at Jay Costura. Dito ay ibinunyag ang kanilang mga pangitaing nakikita nila sa natitirang buwan buwan ng 2020 at sa darating na 2021.

Ayon kay Mamu, ay  muling sasabog ang Bulkang Taal ngayong darating na Disyembre. 

Ayon sa kanyan, hindi niya raw intensyon na magbigay ng takot ngunit, nakikita niya umano na mas malakas pa ito kaysa sa nakaraang pagsabog ng Taal nitong Enero.

“Nakita ko 'to before mag-November kaya lang hindi ko siya ini-post kasi ayoko ring magkaroon ng takot ang mga tao. Namamaga 'yung ilalim niya. Bubuka lahat at du'n maglalabas ng putik. Sasabog siya bago siya matulog ulit nang mahimbing…"

Heto naman ang pangitain ni Jay Costura na mangyayari pa rin ngayong 2020. 

“May ipinakita sa akin na isang babala. Isang bolang nag-aapoy, babagsak. Hindi siya direktang tatama.” sabi Costura.

Ngunit sa kabila ng mga nakakabahala na mga pangitaing ito, may magandang nakikita naman si Costura na mangyayari sa darating na year 2021. 

“Malaki ang posibilidad na tayo ay aangat dahil ang 2021 ay bagong panimula. May number one siya sa dulo,” sabi Costura.





No comments:

Powered by Blogger.