P7 Million | Kuya Wil nagbenta ng sasakyan para idonate sa mga biktima ng Bagyong Ulysses


"Aanhin ko ho 'yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time." - Kuya Wil.

Ibinenta ni Willie Revillame ang isa sa kanyang mga kotse sa halagang P7 milyon upang ipangtulong ang pinagbentahan sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Sa espesyal na episode ng "Wowowin" noong Biyernes, Nobyembre 13, na dedicated para sa lahat ng mga biktima ng Bagyong Ulysses, inilahad ni Kuya Wil ang kanyang ginawang pagbenta. 


Ibinenta niya ang isa sa kanyang mga mamahaling kotse, at ito ay nabili sa napakalaking presyong P7 milyon.

Inihayag ng host ng show na magdaragdag siya ng kaunting halaga mula sa sarili niyang ipon sa halagang P7 milyon, at pagkatapos ay bibigyan naman niya ng P5 milyon ang Marikina at P5 milyon sa Montalban.

"Aanhin ko ho 'yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time." pahayag ni Kuya Wil.





No comments:

Powered by Blogger.