Robin Padilla pinagtanggol si Pangulong Duterte laban kay VP Leni


Idinaan ni Robin Padilla sa social media ang kanyang mensahe para kay VP Leni Robredo kaugnay sa kanyang kontrobersya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mensahe ni Robin Padilla ay ang kanyang reaksiyon sa balita na pinapahiwatig ni VP Robredo na si Pangulong Duterte ay napaka-sensitibo pagdating sa mga batikos ng mga Pilipino sa pagtugon ng kanyang administrasyon sa Bagyong Ulysses.

Ayon kay Robin, okay lang na punahin ang gobyerno, ngunit mali ang magpakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kahit sino man. 


Inihambing din niya ang bilang ng namatay sa Bagyong Ulysses sa bilang ng mga namatay noong nakaraang malalakas na bagyo na nangyari noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Bukod dito, sinabi ni Robin kay VP Robredo na ang pagbibigay ng mga relief goods ay hindi sapat upang matulungan ang mga nasalanta ng Bagyo.

Narito ang kanyang post:

"Ako po ay nakikiraan po sa inyo madame Vice President mawalan galang na po sa inyo.

Crticism is different from black propaganda Ang pagpuna po sa ginagawa ng gobyerno ay karapatan po ng sinoman pilipino. Ang hindi po katanggap tanggap ay ang paggawa ng mga hindi totoong kwento para siraan ang isang tao.

pero wag po kayo mag alala hindi naman marunong mapikon si mayor PRRD lalo na po kung galing sa mga Kulang sa Pansin ang banat nagsisilbi na lang po na Charity yun ni mayor sa mga naiinggit sa kanya para naman kahit paano ay sumaya sila.

Ang pinakamalinaw naman pong batayan o basehan ay Figures at Facts. Sa yolanda super typhoon po with full media coverage kasama na po ang cnn international na ang namamahala po ay partido po ninyo na LP Lagpas po sa 15 libo ang namatay at nagdaan po ang buong termino ay wala naman pong tunay na rehabilitasyon na nangyari sa leyte.

Ganon din po sa ondoy na mahigit isang daan ang namatay with full media coverage

Kaya po madame vice president sa usapin po na ito hindi po si mayor ang balat sibuyas dahil malinaw po kay Rolly at Ulysses na mas naging handa ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno dahil ang mga nadisgrasya po at namatay ay higit na mas mababa ang bilang.

Ang suliranin po sa marikina ay hindi na mareresolba ng pagbibigay ng relief lang. mass evacuation na po ang kailangan na don dahil wala naman po kasing naging malinaw na city planning o urban planning sa metro manila. Isang napakatandang problema na po yan kasingtanda ng bulok na sistema ng gobyerno na pinipilit nating gumana kahit gutay gutay na. Ang problema naman po sa rizal ay kasingtanda na rin ng gobyerno pa ng kastila walang tigil ang illegal logging sa rizal hanggang quezon abot hanggang bicol...

Change the unitary form of government to Federal para po makita natin talaga at mai angat natin ng may katotohanan at walang pangbobola ang BICOL at ang iba pang mga probinsya na lagi na lamang umaasa sa Kapagyarihan ng Imperial Manila."


No comments:

Powered by Blogger.