Sigawan ng mga takot na takot na residente habang mabilis na tumataas ang baha sa Tuguegarao viral online


“Lahat ng mga munisipyo na tabi ng Cagayan River, ay baha ngayon. Grabe ang baha ngayon sa Cagayan, na-surpass niya ‘yung previous na baha nung 2019,” - Col. Ascio Macalan Cagayan PDRRMO

Nag-trending ang Hashtag #CagayanNeedsHelp sa Twitter kasama na ang #CagayanValleyNeedsHelp, #IsabelaNeedsHelp and #TuguegaraoNeedsHelp sa panawagan ang netizens na tulungan ang Cagayan province at Cagayan Valley dahil sa malawakang pagbaha sa Cagayan Valley region dulot ng bagyong Ulysses.

Sa iba’t ibang post sa Facebook, ibinahagi ng mga netizens na marami na umano ang nasasawi dahil sa nasabing kalagayan at karamihan sa hirap sa sitwasyon ay mga paslit at senior citizens. 


Sa Facebook, ibinahagi ni Jehly Velle Colangan Bucahan ang isang video kung saan maririnig ang mga residente na sumisigaw ng tulong sa Linao East, Tuguegarao City.

Halos lagpas tao na umano anila ang tubig dahil na rin sa patuloy na spilling operation ng Magat dam.

Tinatayang mahigit 13,000 pamilya o 47,000 residente sa Cagayan ang lubhang naapektuhan ng naturang baha.



No comments:

Powered by Blogger.