SINGER-COMEDIENNE KITKAT IS NOW A JACK OF ALL TRADES DOING EVERYTHING IN NET25's NOONTIME SHOW, 'HAPPY TIME'
SINGER-COMEDIENNE KITKAT is a Star Magic talent but she’s now working with Eagle Broadcasting’s Net 25 as host of their noontime show, “Happy Time”. So how did she get into Net25?
“Dati na po kong nagge-guest sa ibang shows nila and handpicked daw po nila ako for ‘Happy Time’," she says. "Nagkataon po, may show si kuya Robin Padilla sa Net25, ‘Unlad’, and yung manager niya, close sa Net25 management at pinakontak po ako sa manager ni Kuya Robin na nakatrabaho ko noon sa isang soap.
"Nagkaroon kami ng zoom meetings. Noong una, ayoko pang lumabas ng bahay kasi natatakot at napapraning ako sa virus. Kaya lang breadwinner din ako, so kailangan ko ring kumita dahil senior citizens na parents ko.”
She prayed hard before making a decision.
“I asked for signs at doon ko po napagtantong para sa akin talaga itong project na ito. Nung kasagsagan po kasi ng pandemic lockdown, marami din po akong projects na tinurned down. Na-depressed din po kasi ako maraming kilala at kamag-anak ang naapektuhan at natamaan ng virus, kaya takot na takot ako.
"Pero gaya nga po ng lagi sinasabi, pag para sa’yo talaga, para sa’yo, kaya ito pong ‘Happy Time’, blessing po talaga na bigay ni God sa akin, divine intervention, so thank you po talaga kay God.”
How is it working with Eagle Broadcasting Corporation?
“Sa Net25, lahat po ng tao dun mula sa utility, janitors at lahat, super kasundo ko. Sobrang kilala ko po mga names nila at dahil po dun lagi nila sinasabi na mahal daw po ako ng mga tao sa EBC. Sobrang pantay pantay po dyan sa Net25.
"Iglesia ka man o hindi. Wala ring pressure sa pagbibigay namin saya sa araw araw. Di po kami pressured na makipag-compete sa ibang noontime shows. In fact, lahat ng artists ng ibang channels, gine-guest namin at nakakapag-promote po sila ng shows nila sa amin. Ako naman po, nakaka-guest pa rin po ako sa ibang channel basta hindi katapat ng ‘Happy Time’.
"Kinukuha nga ako mag-guest sa ibang shows, like sa ‘Mars’ ng GMA-7, suki ako roon. Wala pong network wars dito. Kinukuha rin ako sa soaps, kaya lang lock in taping, so hindi ako puede kasi nga may daily show ako.”
She’s also glad that ‘Happy Time’ allows her to show all her talents.
“Sobrang enjoy po ako at feeling blessed and honored, kasi naipapakita ko po lahat ng talento ko dito sa Net25. Mula sa pag-awit, lalo sa mga guestings ko sa ibat ibang mga seryosong awitan shows nila. Sing and dance din ako sa ‘Happy Time’ at lahat pa ng mga kaya kong ipakita, binibigyan nila ako ng chance na mai-showcase.
"Sabi nga po ng bosses nila, very versatile daw po ako kaya wag daw sayangin, dapat maipakita sa buong mundo. And lahat po tao nagugulat at nagagalak na magaling po pala ako mag-host mapa-English man or Tagalog. Ang tawag nga po ng lahat talaga sa’kin, Jack of all trades.”
No comments: