Super Tekla at Michelle, nagka-sundo na kung kaninong poder mapupunta si baby Angelo
Nagka-pneumonia raw si baby Angelo at mabuti na lang at negative ito sa COVID-19.
Pero ngayon ay nagpapagaling na raw ang kanyang anak.
Maraming salamat sa lahat ng mga Doctors at mga nurses Nang Philippine children medical center for taking care of my...
Posted by SuperTeklah Librada on Saturday, November 21, 2020
Habang nasa ospital, may ilang tao umano ang nakakita kay Tekla at nakunan ng video na magkausap silang dalawa ng dati niyang partner ka si Michelle Bana-ag.
Naki-usap nalang daw ang manager ni super Tekla na si Rose Conde na huwag nang ikalat ang video.
Napagkasunduan raw nila Super Tekla at Michelle Bana-ag na sa puder pa rin ni Michelle mananatili si baby Angelo, samantalang si Tekla ang magtutustos sa mga gastusin.
Ayon kay Tekla, okay na sa trabaho nalang siya mag-focus.
Nakapag-move on na umano siya at pinatawad na rin niya si Michelle.
Ngunit ayon kay Donita Nose, ramdam niya ang pagmamahal ni Tekla kay Michelle Bana-ag.
Kaya naman hindi raw siya magugulat kung biglang mabalitang isang araw na nagkabalikan na ang dalawa.
No comments: