Super Tekla, inlove na inlove sa kanyang new found baby
In love na in love at alagang-alaga ni Super Tekla ang kanyang new found baby.
Glowing up ngayon si Super Tekla, ang dati kasing pangarap lang noon ng komedyante na makabili ng sarili nyang sasakyan ay natupad na sa wakas.
"Sanay ako sa bukid eh. Ang mga transportation namin doon kalabaw, kabayo."
"'Di ba kadalasan 'pag may kotse, second hand?"
"Ito brand new at talagang galing sa katas ng pinaghirapan mo," sabi ni Tekla
Pinangalanan din sya ang kanyang bagong SUV.
"Si Kiko. Pinangalanan ko siya noong first movie ko na Kiko en Lala. Katas nung Kiko en Lala 'to," dagdag ni Tekla.
Ganun kamahal ni Tekla ang kanyang sasakyan dahil simbolo umano ito ng kanyang paglayo sa kanyang mga dating bisyo.
Pinatunayan ni Tekla na pwede pa rin magbago kahit sa unang tingin ay wala ng pag-asa ang tao.
Sa ngayon daw ay nag-iipon si Tekla para sa bagong bahay.
"Nasa sarili mo. Ikaw mismo talaga ang magdadala ng swerte mo," sabi ng komedyante.
No comments: