Tatay at anak na babae nasawi matapos balikan ang modules sa kasagsagan ng bagyong Rolly


Asawa at anak ang nawala sa isang ginang na si Liwayway Jacob dahil sa bagyong Rolly.

Hindi na nakabalik pa ng buhay ang kanyang mag-amang sina Mario Jacob na breadwinner ng kanilang pamilya at ang panganay na anak na si Mecaella Jacob na runnning for cum laude sa kanilang kolehiyo.

Matapos nilang binalikan ang learning modules at iba pang kagamitan sa eskwela sa kanilang tahanan na katabi ng ilog noong kasagsagan ng Bagyong Rolly. 


Labis na nagdadalamhati ang ina at dalawa pang anak sa sinapit ng mag-ama.

"Wala sanang iwanan, pero nauna na sila"

"Pero masaya na rin po ako dahil magkasama naman sila ng papa niya,"
 pahayag ng ina.

Natagpuan ang bangkay ng mag-ama sa may ilog limang minuto ang layo sa kanilang bahay noong Nobyembre 2.

Hawak pa ni Mecaella ang kanyang module.

No comments:

Powered by Blogger.