UPDATE: Isa patay, 4 sugatan matapos mabagsakan ng metal frame ng Skyway Project
Ang aksidente ay naganap sa East Service Road sa Muntinlupa City, ayon sa ulat.
Bumagsak ang steel bar sa tatlong sasakyan at tatlong motorsiklo.
Ayon kay Erwin Alfonso, pinuno ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office, apat na tao ang isinugod sa ospital dahil sa pinsala.
FLASH REPORT: Bahagi ng ginagawang Skyway sa Muntinlupa City, bumagsak. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/nfYcy48aeB
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 21, 2020
UPDATE: 4 na ang naitalang nasaktan sa pagbagsak ng bahagi ng ginagawang Skyway Project sa Muntinlupa City. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/InbuYnwO5M
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 21, 2020
VIDEO: East Service Road sa Muntinlupa City, sarado na sa mga motorista matapos bumagsak ang isang metal frame ng ginagawang Skyway Project. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/K9FJymsoUq
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 21, 2020
No comments: