VP Leni Robredo, sinagot kung tatakbo ulit siya sa 2022


Ininterview ng broadcaster-journalist na si Pia Hontiveros si Vice President Leni Robredo sa CNN Philippines noong Nobyembre 18.

Sa panayam, tinanong ni Pia si VP Leni kung tatakbo siya sa 2022.

Sagot ng VP na ngayon ay taong 2020 pa lamang at maraming mga bagay pa ang maaaring mangyari at hindi niya alam kung tatakbo pa rin siya.

Sinabi din niya na ang usaping 'halalan' ay bagay na hindi muna dapat pinag-uusapan sa oras ng kalamidad.

“Ako, 2020 pa lang ngayon."

"Ang presidential election is far away. Dalawang taon pa."

"And history would tell us ang daming puwedeng mangyari sa isang taon."

"Hindi nga natin alam kung kakandidato pa ako."

"Nung kumandidato ako, Pia, for VP, last minute. Nung kumandidato ako for Congress, the same."

"Pero yung sa akin, ibi-bring up ba natin yung eleksyon at the time of… parang sobrang calamity such as this?"

"Hindi lang typhoon pero tatlong magkakasunod,"

"Meron pa tayong COVID, 'tapos ang iniisip natin eleksyon? Ano ba naman ‘yon? Parang this is a time to unite."

"Ako, ang dami kong napapalampas. Kung opinyon mo, sabihin mong inefficient ako, sabihin mong wala akong alam, pabayaan ko na ‘yan."

"Pero kung ang basis mo, kasinungalingan, I will call you out."




No comments:

Powered by Blogger.