Babae, pinagbantaan at hina-harass umano ng fiancé ng naka-chat niyang Briton

Humingi ng tulong si Melody Mendez kay Idol Raffy Tulfo dahil sa pananakot at panghaharass sa kanya umano ni Fritzie Politowicz, fiancé ng nakausap niyang foreigner.

Matapos daw maka-chat ni Melody si Mark Politowicz, pinagbantaan na siya sa text ni Fritzie. 

Nakapagpadala pa raw kasi ng pera si Mark kay Melody at hindi sinabi na may karelasyon na siya, ayon kay Fritzie. 

Dagdag pa ni Melody, ilang araw siyang hindi makatulog dahil may mga umaaligid sa kanilang barangay na may dalang full body picture niya at hinahanap kung saan siya nakatira.

Nag-public apology naman si Fritzie sa mga sinabi niya sa text. Pero itinanggi niya na may kinalaman siya sa mga umaaligid kina Melody.

No comments:

Powered by Blogger.