Mga donasyong damit para sa nasalanta ng bagyo, ibinasura lang sa ilog at kalsada
Ang mga damit ay ibinahagi ng mga nagmamalasakit na kababayan para sana'y magamit ng mga residenteng nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Sidney Batino ,
"Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal, Sana po maiibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan itinapon lng sa kalsada at sa ilog. "
"Nakakasama lang ng loob pag nakita mo na ganyan mangyari na binigay mong tulong sa kanila. "
"Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masayang yung efforts at pagod. . .#RIZAL"
Ayon naman Department of Social Welfare and Development o DSWD, dini-discourage nila ang donasyong "used clothes" sa panahon ng mga kalamidad sapagkat nakapagpapababa raw ito ng dignidad ng mga survivors at maaari pa silang mahawa ng karamdaman mula sa iba.
Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal ,Sana po maiibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan...
Posted by Sidney Batino on Wednesday, November 18, 2020
No comments: