#DyowaReveal: Dominic tinawag na lover si Bea?


KINIKILIG ang madlang netizens sa rumored celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos mag-post ng aktor ng mga litrato kung saan sweet na sweet ang dalawa.

Kuha ang mga litrato sa Napa Valley, California kung saan nagbakasyon ang dalawa noong July.

“Lover (musical notes emoji)” caption ng aktor sa kanyang post.

Reply naman ng aktres, “Hi!!! (smiling face with heart-shaped eyes emoji)”

Tanong ng mga netizens, “What is the meaning of this? Is this dyowa reveal?”

At mukhang hindi lang ang madlang pipol ang kinilig sa post ng aktor dahil marami rin sa mga celebrity friends nila ang hindi napigilan ang kilig sa dalawa at napa-comment pa sa post.

Isa na nga rito ang malapit na kaibigan ni Bea na si Dimples Romana.

“Dooooom!!!!! (smiling face with heart-shaped eyes emoji) anunabaaaaa hoy!!! @beaalonzo (laughing emoji, smiling face with heart-shaped eyes emoji, heart emoji) YOU GUYS LOOK SO GOOOOOD TOGETHER stay happy!!!” comment ni Dimples.

Hirit naman ni IC Mendoza, “ANO NA MGA KAPITBAHAY?! SINONG GUSTONG WATER DYAN??? (smiling face with heart-shaped eyes emoji)”

Sweet naman ng comment ni Denise Laurel na “Love is so beautiful.”

Puro puso naman ang comment ng isa sa mga matatalik na kaibigan ni Dominic na si Marco Gumabao.

Isa pa nga sa mga napa-comment ay ang tiyahin ng aktor na si Beth Tamayo na nakasama nila kamakailan sa US.

“Tamis ng asukal sa Napa! Lol.” comment nito.

Hindi rin napigil ng mga supporters ng dalawa ang kilig na nadarama para sa kanilang “magulang”.

May ilan pa ngang nagsasabi na huwag daw masyadong galingan ni Dominic at kinikilig sila ng sobra-sobra.

Matagal nang usap-usapan ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring direktang kumpirmasyon mula sa dalawa.

Bukas ang Bandera para sa panayam ng dalawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

The post #DyowaReveal: Dominic tinawag na lover si Bea? appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.