Luis may pangako sakaling tumakbo sa Eleksyon 2022; Ate Vi gustong maging senador pero…
Vilma Santos at Luis Manzano
DIRETSAHANG inamin ni Congresswoman Vilma Santos-Recto na bukas ang kanyang puso at isipan sa pagtakbong senador sa 2022 national elections.
Ayon kay Ate Vi, talagang pinag-iisipan niyang mabuti ngayon kung ano ang magiging desisyon niya para sa kanyang buhay-politika sa susunod na taon.
Sa Facebook at Instagram Live ng actress-politician kamakalawa kasama ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola, napag-usapan nga ang tungkol sa mundo ng politics.
Ilang tanong mula sa mga netizens ang sinagot ng mag-ina kabilang na ang 2022 elections. Binasa ni Jessy ang comment ng isa nilang viewer na nagtanong kung may plano ba si Ate Vi na tumakbong senador next year.
Sagot ng award-winning veteran actress, “I’m considering it. Kaya lang po sa ngayon, nothing is final. Pinag-uusapan pa rin namin what’s the best.
“Kasi po, alam niyo po, iba na po ang panahon ngayon. Kasi, if you will expect me going around physically with the present situation ng COVID, baka mahirapan po tayo. Ibang-iba po ngayon ang klase ng eleksiyon na darating.
“Baka mamaya, kapag hindi niyo po ako nakikita, sabihin niyo, hindi naman namin siya nakikita. Kasi po, delikado na rin po ang panahon, not only for me, but also para po sa inyong lahat.
“Marami pong dapat pong i-consider sa darating po na eleksiyon,” tugon ni Ate Vi.
Samantala, nang tanungin naman si Luis kung nakapagdesisyon na siya tungkol sa usaping politika, “Para sa akin, kung gusto mo talaga maglingkod, kailangan mo maging public servant before ka maging politician.
“Kung sakali man in any position na pagtakbuhan ko, kung saka-sakali man. Kita niyo, ang taas ng ‘kung’, ha? I promise na I will serve you. I will serve the voters, kung sino man yun. Yun ang promise ko.
“Kung sakali lang, kung saan ako magsimula, konsehal, o di kaya vice mayor o mayor, or vice governor, governor o sa Congress, kahit ano pa iyan na posisyon, service ang ihahatid ko sa inyo,” chika pa ng TV host-actor.
Sey naman ni Cong. Vi, “Kasi, lumaki na rin po sila sa buhay na meron po ako sa public service. Ako po, 23 o 24 years na po as a public servant, kalahati po ng buhay niya, ito na po ang trabaho ko, nagsisilbi.
“I started in politics, as public official, Ryan was one year old. So, nakita niyo ang takbo ng buhay ko, plus your Tito Ralph, you know nakita niyo yung serbisyo, nakita niyo ang pagsilbi sa tao at pangangailangan ng tao.
“Dapat kasi nalalaman nila kung gaano tayo ka-blessed, how to share, how to inspire people, at kung makakatulong ka, tumulong ka, kasi we are blessed. And for that, we’re very thankful,” paliwanag pa ng Star For All Seasons.
The post Luis may pangako sakaling tumakbo sa Eleksyon 2022; Ate Vi gustong maging senador pero… appeared first on Bandera.
No comments: