Nas Daily humingi ng tulong sa Filipino vlogger para linisin ang pangalan
NAGVIRAL ang post ni Sandy Jones Pilarca o mas kilala bilang ‘Lost Juan’ matapos maglabas ng saloobin kaugnay sa isang isyu ni Nuseir Yassin a.k.a Nas Daily at social entrepreneur na si Louise Mabulo.
Isa si Lost Juan sa mga kasama ni Nas noong nagpunta ito sa Camarines Sur para i-feature ang istorya ni Louise at ng proyekto nitong “The Cacao Project”.
Ayon sa Facebook post ng binata, totoo ang sinasabi ni Nas na nadisappoint sila matapos magpunta roon.
“Exaggerated ang mga nasa news pero wala kami nadatnan on what we’re expecting na makita, puro seedling lang at maliliit na cacao,” pagbabahagi niya.
Ibinahagi rin ng binata kung paano siya naging konektado kay Nas. Taong 2017 nang una silang nagkasama. Hindi pa raw ganon kasikat si Nas at nasa 300 thousand pa lamang ang followers.
Naghahanap raw ito ng makakasama at makakatulong dahil gusto nitong i-feature ang smokey mountain. At dahil nga fan siya, nag-volumteer siyang tulungan ito.
Doon na nga nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa at sa tuwing babalik ng Pilipinas si Nas, lagi siya nitong sinasama. Marami rin daw mga video si Nas na nagmula sa kanya ang idea.
Marami rin daw ang mga naging sakripisyo nito para matulungan ang kaibigan.
Dumating pa sa puntong napalayas ito sa kanyang tinitirhan noon sa Makati dahil sa tuwing kakailanganin ni Nas ng lugar para mag-shoot ng maraming tao, sa parking ng tinitirhan ng binata ito ginaganap.
Tinulungan naman siya ni Nas at kinupkop sa kanyang hotel noong napalayas ito.
Giit pa niya, kailanman ay hindi siya nanghingi ng kahit magkano kay Nas kapalit mg kanyang mga ginagawa.
Isinasama naman daw siya nito sa mga nagiging travel sa Pilipinas at hindi siya pinapagastos.
Ngunit tila nagbago na raw si Nas simula nang sumikat ito sa buong mundo.
“Nagbago yung taong simple na ngayon hindi ko na kilala kung ano ba talaga ang pakay,” pag-amin niya.
“Malaki na ang pinagbago nya, hindi ko na sya kilala as a friend na nakilala ko before.”
Dumating raw kasi sa puntong noong siya ang humihingi ng tulong ay hindi siya nito tinulungan. Hindi naman daw aiya nagde-demand ng utang na loob pero dahil nga magkaibigan sila ay siguro nag-expect ang binata. Afterall, may mga naiambag naman ito sa kanya.
“Hindi ko sinasabing ginamit lang ako pero parang ganun na nga. But as I said ako naman nagkusa tumulong, yun nga lang naabuso at napag-iwanan sa ere nung ako na ang nangailangan ng tulong,” saad pa niya.
Hindi rin daw nito nagustuhan ang recent issue nito kay Apo Whang-Od.
Giit pa niya, marami raw talagang mga foreign creators na pinagkakakitaan ang Pilipinas at hindi raw niya nakitaan ng ganoon si Nas noon pero ngayon ay parang nag-iiba na ang pananaw niya.
Kahit papaano raw ay nagpapasalamat pa rin siya dahil wala ang kanyang “The Lost Juan” kung hindi niya nakilala si Nas.
Hindi man daw siya natulungan nito ngunit marami siyang natutunan sa mga pagsama niya rito na siya niyang nagamit sa sariling content.
The post Nas Daily humingi ng tulong sa Filipino vlogger para linisin ang pangalan appeared first on Bandera.
No comments: