Richard Juan hinihikayat ang madla na magparehistro para bumoto


NALALAPIT na ang pagtatapos ng itinakdang deadline ng Commission on Elections o COMELEC para sa voter registration.

Marami sa mga kilalang personalidad ang nanghihikayat sa madlang pipol na huwag sayangin ang pagkakataon at magparehistro para makaboto sa darating na eleksyon.

Isa na nga rito si Richard Juan na nagpost sa kanyang Instagram account.

“Here we are, second quarantine birthday! For this special day where I have a lot of clout and attention (lol)…instead of throwing a party or doing an elaborate photo shoot like I did before, I would like to take this opportunity to encourage you to REGISTER TO VOTE!” saad ng aktor.

“We literally have less than 60 days left to register (and 14 of those will be ECQ pa), so please try to make time to register!” dagdag pa nito.

Gumawa rin ito ng vlog na uploaded sa kanyang YouTube channel upang ipakita kung gaano kabilis at kadali ang proseso ng pagre-register kya walang excuse ang madlang pipol para hindi magparehistro.

“I am super excited to vote for 2022 for the leaders that we deserve… It is your privilege and right as a Filipino by law to actually go and register and vote for the leaders of tomorrow,” saad nito sa vlog.

“Registering to vote actually is just really the step one of this long election process because the most important thing to do is to do the right research to find the candidate that you believe will guide the Philippines to a better tomorrow.”

54 days na nga lang ang natitira bago matapos ang voter registration ng COMELEC ngunit tila mababawasan pa ang mga nalalabing araw dahil sinuspinde ng ahensya ang mga transaksyon nito mula Agosto 6-Agosto 20. Ito ay alinsunod sa mga patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) habang nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) at ilan pang mga lugar sa bansa.

The post Richard Juan hinihikayat ang madla na magparehistro para bumoto appeared first on Bandera.

No comments:

Powered by Blogger.