Viral video ng isang guro, iimbestigahan ng DEPED dahil sa pagiging child abuse umano nito?

- Viral ang isang tiktok video ng isang gurong lalaki dahil sa nilalaman nito

- Tila sumabay sa uso ang lalaking guro sa mga ginagawa ng mga tiktokerist

- Marami ang umalma sa nilalaman ng naturang video kaya naman aaksyunan ito ng DEPED

Viral ngayon sa social media ang isang tiktok video na ini-upload at ibinahagi ng isang gurong lalaki.

Sa nasabing video ay nakasuot pa ng uniporme ang guro tsaka nagpa cute at pasimpleng sumayaw.

Ang mga ganong video ay hindi na bago sa karamihan lalo pa't mga nakakagiliw na pagsasayaw ang madalas mapapanood sa tiktok.

Ngunit inalmahan nang nakararami ang naging caption ng guro sa kaniyang ibinahaging video.

“Pag dumaan yung cute na student mo, tamang pa cute lang," caption nito sa kaniyang tiktok video.

Burado na ang naturang video maging ang tiktok account ng guro ay deactivated na matapos makatanggap ng negatibong kumento mula sa nakararami.

Ayon naman sa pamunuan ng DEPED ay iimbestigahan nila ang naturang video na may posibilidad umano bilang child abuse.

Panoorin ang video rito:

No comments:

Powered by Blogger.