AJ Raval, inaming nagpa-plastic surgery; gustong ibalik sa dati ngayong 2022

- Inamin ni AJ Raval na nagpa-surgery siya upang i-enhance ang partikukar na bahagi ng kanyang katawan

- Inamin rin ng aktres na may nagsuggest sa kanya upang gawin ito

- Sa ngayon, iniisip ni AJ na ipatanggal ang implants na ikinabit dahil hindi na siya komportable na meron ito

Sa isang virtual media conference para sa kanyang bagong romantic-comedy film na “Crush Kong Curly”, sinabi ni AJ Raval na magpa-breast augmentation upang i-enhance ang kanyang “busts”

Na-excite daw kasi siya nang may mag-suggest sa kanya na magpa-surgery kahit hindi pa sigurado ang loob niya.

“Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado,” ani AJ

Isiniwalat niya ito dahil daw mas gusto niyang maging honest kaya ni-reveal niya ang kanyang plastic surgery. Sa kabila ng kanyang rebelasyon, masaya naman daw siya sa kanyang enhanced breast ngunit mas narealize niyang mas gusto niya itong ipatanggal.

“…Planning po ako na ipatanggal next year. Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko,” sabi ng aktres.

Mas gustong naman daw na ipaayos ang kanyang balat dahil mas “conscious” siya dito kumpara sa kanyang dibdib. 

“Kung may ipapabago po ako, yung skin ko po, kasi sobrang conscious po ako sa skin ko. Malikot po ako noong bata ako,” dagdag pa niya.

No comments:

Powered by Blogger.