Angeline Quinto, inaming may ibang anak sa babae ang ama ng magiging anak niya!

- Sa isang viral video, ni-reveal ni Angeline na mas bata ng tatlong taon ang kanyang non-showbiz partner

- Inamin rin ni Angeline na may ibang anak ang kanyang nobyo sa ibang babae

- Ipinahayag rin niya na nakilala ng kanyang 'Mama Bob' ang kanyang boyfriend bago ito sumakabilang buhay

Nito lang December 10, sumang-ayon sa isang one on one interview si Angeline Quinto kasama ang 'King of Talk' na si Boy Abunda. Ito ay pagkatapos mag-viral sa social media ang balitang buntis ang singer.

Naging maugong din ang mga bali-balitang mag nobyo't nobya ang kapwa nito singer na si Erik Santos. Ngunit parehas naman nitong tinanggihan ang akusasyon.

Sa latest na interview nga ni Angeline kasama si Boy Abunda, ni-reveal nito kung paano sila nagkakita ng kanyang nobyo. Sinabi nitong: "Nakilala ko po siya, Tito Boy, dahil kaibigan po siya nung boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila" 

Ayon kay Angeline, siya at ang kanyang non-showbiz boyfriend ay mag-partner na halos isang taon na. Noong tinanong ni tito Boy kung sa tingin niya ay ito na ang “the one” ni Angeline, sinagot niya ito nang: 

"Tito Boy, ganun pala yun eh. Parang alam mo agad. Hindi naman agad, pero matagal na rin po kasi akong hindi nagka-relationship. Nagkakilala kami bago pa ang pandemic, so before nawala ang mama, na-meet pa niya si Mama Bob."

"Sinabi niya rin naman sakin, Tito Boy, yung tungkol sa mga past niya kasi meron din po siyang anak sa ibang babae." dagdag pa niya. 

Inamin rin niyang ang kanyang nobyo ang umamin sa kanya nito. "Hindi rin naman ako nagtanong kahit alam ko na, hindi ako nagtanong ng kahit ano, siya mismo."

No comments:

Powered by Blogger.