Brenda Mage ibinulgar na bahagi dapat siya ng 'Darna TV Series', bakit nga ba hindi siya natuloy?

- Inamin ni Brenda na dapat ay kasama sana siya sa TV adaptation ng ABS-CBN ng Darna

- Mas pinili ni Brenda ang bahay ni Kuya laban sa role sa Darna na dapat sa kanya napunta

- Biro pa ni Brenda na siya dapat ang magiging Valentina sa Darna: The TV Series

Inamin ng komedyanteng si Brenda Mage na kasama siya sa TV adaptation ng ABS-CBN ng "Darna" ngunit sa huli ay binitawan niya ang papel upang makapasok sa Bahay ni Kuya.

Si Brenda Mage ay kasali sa “Pinoy Big Brother” bilang isa sa mga celebrity housemates. Kasama niyang napapanood ang ilang mga housemates sa December 7 na episode ng reality show.

Ang paksa ng kanilang laro ay kung saan huhulaan ng mga housemates kung ang mga balita sa outside world ay kung totoo o peke.

Nag-react si Brenda Mage sa announcement na ang aktres na si Janella Salvador ay tinanghal bilang Darna’s snake-haired nemesis "Valentina" sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na kalaban ni Jane de Leon.

“Hindi!”. “Part sana ako ng ‘Darna’ at imposibleng si Janella ang papasok.” ang saad ni Brenda

Mali naman ang naging hula niya dahil ipinakilala si Janella bilang millennial Valentina noong Nobyembre 19.

Sa confession room, sinabi ni Brenda Mage kay Kuya na na-cast na siya sa “Darna” bago siya inalok na maging housemate sa “PBB.” 

“Kasama po sana ako sa ‘Darna’ pero hindi ko po naituloy dahil mas pinili ko pong makilala kayo dito sa ‘Pinoy Big Brother... Ako po sana si Valentina, charot!” ang sabi niya.

No comments:

Powered by Blogger.