Isang sikat na mang-aawit at aktres, totoo nga bang buntis?

- Isang tsismis ang siyang pinag-uusapan ngayon sa social media patungkol sa isang singer actress

- Hinuha ng mga marites na tinutukoy dito ay ang kapamilya singer actress na si Angeline Quinto

- Isang TikTok video naman ang sinasabing patunay na totoo nga ang kumakalat ngayon na mga haka-haka

Noong Oktubre, ibinalita ni Angeline sa isang interview kay Karen Davila sa kanyang YouTube channel na mayroon na siyang kinakasama. Siya ay nakikipagdate umano sa kanyang non-showbiz boyfriend mula noong nakaraang taon. Sinabi ng aktres na gusto niyang panatilihing pribado ang aspetong ito ng kanyang buhay, ngunit masaya siyang tinawag ang kanyang kasintahan na "true love."

Base sa isang article na pinublish ng Manila Bulletin, nagsimula ang mga chika patungkol na buntis si Angeline dahil sa kanyang Instagram post na may caption na “new life chapter one” nito lang November.

Lalo pang umingay ang pregnancy rumors nang magpost sa TikTok ang isang netizen kung saan nakasulat sa teleprompter ng 10th-year anniversary concert series ni Angeline na may title na “10Q.”

 “Angge to share pregnancy journey, pregnancy kit, 1st ultrasound, lumalaki…” ang nakasulat sa teleprompter ni Angeline na sinasabing ito ay isang “segment” ng concert para sa pregnancy journey ni Angeline sabi ng ilang netizens.

Wala pa ring kinukumpirma ang Kapamilya actress patungkol dito. 

Narito ang screenshot ng nasabing TikTok, credit to Manila Bulletin:

No comments:

Powered by Blogger.