Albie Casiño, inamin na sa publiko na crush niya si Shanaia Gomez: “It's kinda weird”

- Inamin na ng Kapamilya actor na si Albie Casiño na may gusto siya sa kapwa niya ex-housemate na si Shanaia Gomez

- Nagbigay rin ito ng munting update patungkol sa nangyaring “sisig date” nila kamakailan

- Ayon sa aktor, ayaw niyang makita na nape-pressure ito na gustuhin siya para sa mga fans

Sa recent interview ng Star Magic Inside News kasama ang Kapamilya nitong si Albie Casiño, tila may pa-update si Albie patungkol sa “sisig date” nila ni Shanaia Gomez. Inamin rin nitong “crush” niya ito at hindi na ito big deal para sa kanila.

Nagkakilala ang dalawa sa Pinoy Big Brother Kumunity season 10 para sa celebrity edition nito. Parehas naman itong na-evict upang lumabas na ng bahay ni Kuya na ikinalungkot ng ShaiBie fans.

Sa interview naman ni Albie, inamin nitong “attracted” ito kay Shanaia. Gayunpaman, sinabi rin nitong hindi na big deal ang pagkakaroon ng “crush” para sa kanya.

“Totoo naman, she's a pretty girl. Attracted ako sa kanya... At my age, hindi na big deal yung crush, you know what I mean? Like, my friends are getting married, they're having kids na”

Dagdag pa nito, crush naman daw niya si Shanaia ngunit masyado pa itong bata. Ayaw rin niyang makitang pressured ito na gustuhin siya dahil sa mga fans.

“Crush ko naman si Shanaia but sa mga nakikita ko, masyado pa siyang bata and to be honest it's kinda weird, I don't want her to feel pressured na she has to like me cause of the fans”

Noong tinanong na siya patungkol sa kanilang sisig date, sinabi niyang hindi pa sila nakakapag-meet ulit dahil na rin sa kani-kanilang busy schedules.

No comments:

Powered by Blogger.