Jericho Rosales, 'winasak' daw ang buong bahay at ipinamigay ang mga kagamitan
- Tila nagkaroon daw ng isang malaking pagbabago ang bahay ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales habang lockdown
- Makikita raw kasi doong mga kagamitang hindi na ginagamit dahilan upang ipamigay nalang ang mga ito
- Inamin naman ni Echo na tila winasak nila ang kanilang tahanan kabilang na ang mga sahig at cabinets.
Nai-kwento ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales ang ginawa nila ng kanyang asawang si Kim Jones sa kanilang bahay habang may lockdown.
Sa panayam sa kanya ng 'Love from Home', ibinida ng aktor na nagkaroon ng isang makeover ang kanilang tahanan kung saan binigyan naman siya ng kasiyahaan nito nang magbawas sila ng gamit.
Karamihan kasi sa atin ngayon ay tila wala nang magawa sa loob ng tahanan kabilang na ang mag-asawang Echo at Kim kaya naman nag-desisyon sila na i-level up ang kanilang bahay.
“Akala mo wala kang magagawa, hindi ka magiging busy kasi nagka-lockdown. Then doon mo ma-ri-realize… nandoon pala iyong bahay mo, ang rami mong lilinisin,” panimula pa ng aktor.
“May background si Kim ng interior architecture. Funny because habang nagla-lockdown, ito iyong chance namin mag-rearrange ng bahay, mag-ayos ng walls, kung anu-ano,” ayon pa kay Jericho.
Nagkaroon naman daw ng halos 200 sessions na paglilinis ang kanilang bahay kung kaya naman karamihan sa kanilang gamit ay ipinamigay na.
“Siguro nagkaroon kami ng around 200 sessions ng spring cleaning. So if you get to visit the house, makikita mo wala na kaming gamit dito. Pinamigay na namin, dinispose na namin lahat.”
Inamin pa nga niyang winasak na nila ang kanyang bahay na nagpagaan sa kanyang loob. “Tapos tinanggal namin iyong mga sahig, tinanggal namin iyong mga cabinets, as in basically winasak namin iyong buong bahay.”
“Ginawa na lang namin super, super minimal kasi we just realized that, ‘Ay ito lang pala ang kailangan natin, e.’ So it’s really nice.”
Dagdag pa ni Echo, mas nakatuon na raw ang kanilang pansin na dagdagan pa ng halaman ang paligid ng kabilang bahay nang magsimula ang lockdown.
No comments: