Lolit, kinumentuhan ang pagiging 'adik' ng mga Pinoy sa mga Korean stars: "meron Korean addiction..."
- May saloobin ang manunulat na si Lolit Solis hinggil sa mga Pinoy na may 'addiction' sa kultura ng Korea
Kamakailan lang, June 10, ay nagkaroon ng masayang event dito sa Manila si Soo Hyun na siyang nagpakilig sa kanyang mga Pinoy fans.
At ito nga ang ibinahaging litrato ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account sa panibago niyang post.
"Iyon ipinapakita ng mga filipino fans Salve na grabeng paghanga sa mga Korean stars hindi mo rin naman masisi," pagsisimula ng kolumnista.
"Kasi nga, bihira naman pumunta ang mga iyan dito, plus meron Korean addiction na nangyayari ngayon, hindi lang sa Korean stars, fashion o make up, pati narin sa Korean food. Naging publicity ng lahat ng product ng Korea ang pagiging sikat ng kanilang mga drama, kaya hayan lahat ng thing Korean type narin ng mga Pilipino," komento pa nito.
Pahayag pa niya, sa tingin niya ay 'okay' lang ito dahil mas malapit ito, Korea, kumpara sa Hollywood.
"Ok lang siguro dahil Asian din naman mga Koreano, at least mas malapit ang Korea kesa Hollywood. Saka mas tanggap pa siguro natin na tulad natin Asian ang hinahangaan natin," ani pa ni Lolit.
No comments: