Chito super proud sa pagtatapos ng asawa, "nagsisilbi ka na bilang inspiration sa mga kababaihan"
- Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Chito ang proud moment para sa asawa
- Nagtapos na kasi ito sa kaniyang kurso sa kolehiyo
- May nakakatawang hirit naman si Chito para sa achievement na ito ng asawa
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Parokya ni Edgar leader Chito Miranda ang labis na kasiyahan niya para sa pagtatapos sa kolehiyo ng kaniyang asawang si Neri.
"Congrats, Ms.Neri. Nung nagde-date pa lang tayo, tinanong ako ng Kuya ko kung ano daw ang nagustuhan ko sayo (aside sa looks) Sabi ko, yung pinakanagustuhan ko sayo, was yung fact na you have this constant urge to improve yourself.," panimula ni Chito.
Dito ay ikinuwento niya ang ginagawa ni Neri na pagpapalinang ng talento niya kasabay ang pagiging kuntento pa rin sa buhay.
"Aral ka ng aral, basa ka ng basa, always trying to evolve into a better version of yourself, but at the same time, being content with who you are as a person. Ang galing lang eh. Dati, may ngilan-ngilang natuwa at naaliw sayo dahil artista ka, at 6th placer ka sa PBB Star Circle Galaxy Quest, Dream Believe Repeat."
Nagsisilbi na umano ito bilang isang inspirasyon sa mga kababaihan kaya naman super proud ito sa kaniya.
"Ngayon, nagsisilbi ka na bilang inspiration sa mga kababaihan...at hindi lamang sa mga kababaihan, kundi sa lahat ng nagnanais makamit, (at nag-aalinlangang i-pursue) yung mga dreams and goals nila sa buhay.
"Congrats again, Ms.Neri...I'm so proud of you, at madami pa sana akong nais sabihin pero antok na ko kasi 1:45am na at nakaka-inggit kasi ang sarap na ng tulog mo eh.," buong pahayag ni Chito para sa asawa.
(swipe left for more photos)
Samantala sa kaniyang Instagram account din ay ibinahagi ni Neri ang labis na kasiyahan ngayong graduate na siya kasabay ang pasasalamat sa asawang si Chito sa suportang ibinigay nito sa kaniya.
"GRADUATE NA AKOOOOOO! Natapos din! Thankful ako sa asawa kong palaging andyan for me to support me. Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko. Mas magaan ang buhay kapag may nag eencourage sa'yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kitaaa."
Matapos nito ay nagbigay naman siya ng tips sa mga kagaya niya ang sitwasyon pagdating sa pag-aaral.
Sa lahat ng nakakabasa nito, kung kaya ko, mas kayo nyo. Kung wala pang budget, mag ipon ka lang. Iba iba man ang journey natin, yung iba mas mauuna, may male-late lang konti, meron matagal talagang dumating kagaya ng sa akin. Hindi naging madali sa akin lahat ha? Pero dahil palagi akong positibo na darating ang para sa akin, naghintay lang ako at habang naghihintay, ginagawa kong productive ang sarili ko. Para kapag ibinigay na ni Lord ang tamang panahon para sa akin, I AM READY.
Kaya hahawaan ko kayo ng pagiging wais sa buhay, sa oras, sa pananaw sa buhay. Basta maging mabait lang sa lahat. Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon to, maging fair sa lahat lalo na sa sarili mo, umiwas sa mga toxic na tao, manalig kay Lord, magtiwala sa sarili, at higit sa lahat... mag-share ng blessings. #WaisNaMisis," buong kwento ni Neri.
(swipe left for more photos)
No comments: