Piolo Pascual sa pagreretiro bilang aktor, "...parang hindi rin naman natutuloy'

Nagkaroon ng pagkakataon na magbahagi tungkol sa kanyang buhay ang Flower of Evil actor na si Piolo Pascual nitong nakaraang July 3 sa press conference para sa Sun Life Philippines. 

Binawi ng aktor ang kanyang naging pahayag noon tungkol sa pagreretiro sa pag-arte kapag sumapit na ang kanyang edad ng 40.

Kahit na financially stable na, wala pa umano siyang planong huminto dahil ang passion niya sa kanyang ginagawa ang nagpapanatili sa kanya na magpatuloy.

“I guess I was being immature [and] feeling burnt out back then, you can call it midlife crisis because you’re too loaded up with work,” paliwanag ni Piolo.

Ibinahagi din ng 45-year-old na aktor na napag-uusapan nila ni Direk Cathy Garcia-Molina, na nakatrabaho niya nang maraming taon na, ang mga bagay-bagay. Nagkatrabaho ang dalawa kamakailan sa sitcom na My Papa Pi, kasama si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“Direk Cathy just signed with ABS-CBN for a couple of years. I told her, ‘Direk, huwag na tayong magsasabi ng retirement kasi parang hindi rin naman natutuloy.’ For me, this is my passion," ibinahagi ni Piolo.

Napatunayan na ni Piolo na isa siya sa iilang natatanging aktor na kayang umarte sa anumang role na ibigay sa kanya. Nasa punto man ng kanyang buhay kung saan maaari na siyang magretiro dahil sa pagiging financially stable, iginiit naman nito na hindi niya pa planong talikuran ang pag-arte.

“At this point in my life, I just want to continue doing what I’m doing and this is something that I really appreciate, being in this business, being in front of you guys, and just sharing my life. As long as I feel that I’m needed in this business or there is something that I can contribute and I will stay on," wika ng aktor.

No comments:

Powered by Blogger.