Babaeng nawala 'di umano sa loob ng Robinson's Mall, kinuha ng taong ahas?


 - Umingay na naman sa social media ang dating 'urban legend' sa loob ng mga Robinsons Mall na 'di umano'y may nakatagong taong ahas sa loob nito

- Ito ay pagkatapos mawala ng isang babae matapos umano nitong pumasok sa loob ng Robinsons Mall sa Palawan

- Ayon pa sa mga balita, hindi 'di umano nilabas lahat ng nasabing mall ang kanilang mga CCTV footages at pili lang ang ibinigay sa mga pulis

Muli na namang nabuhay ang dating 'urban legend' na umiikot sa isang taong ahas na matatagpuan daw sa loob ng Robinsons Mall partikular na sa Galleria.

Maraming bersyon ang istoryang ito ngunit ang pinaka-sikat ay ang kwentong lalaking kambal daw ito ni Robina Gokongwei, ang isa sa may-ari ng Robinsons Mall, na hinihinalang nangangain daw ang kanyang kambal.

Malaki, nakakatakot, at kalahating tao't ahas daw ang makikita kung sakaling mabiktima ka ng taong-ahas sa Robinsons Mall. May access pa nga raw ang taong ahas sa mga CCTV at namimili ng mga taong kanyang kakainin sa loob ng mga dressing rooms.

Sabi pa ng iba, umiikot ang taong-ahas na ito sa iba't-ibang branch ng Robinsons.  

Ito naman ang nakikitang dahilan ng mga netizens sa viral na 'di umano'y misteryosong pagkawala ng isang dalaga sa Palawan, matapos nitong makitang pumasok sa loob ng Robinsons Mall sa Palawan, Puerto Princesa.

Kinilala naman ang dalaga na si Jovelyn Galleno.

Tila isang kapamilya naman niya ang humingi ng tulong sa Facebook upang matagpuan na siya nang mawala siya noong August 5, bandang 6PM.
Nito namang August 10, sinabi ni Councilor Elgin Damasco, councilor ng Puerto Princesa, na hindi raw ipinrisinta lahat ng Robinsons Mall ang kanilang mga CCTV footages at pili lang ang ibinigay sa kanila.

Aniya, ang nakita lang nila sa CCTV ang ang pagpasok ni Jovelyn sa mall noong Biyernes ngunit hindi na nakita ang kanyang paglabas.
At ngayon naman, August 13, sa latest report ng Brigada News FM, sinabing pinayagan na ng Robinsons Mall ang pulisya na imbestigahan ang lahat ng kanilang CCTV footages kaugnay sa pagkawala ni Jovelyn Galleno.

No comments:

Powered by Blogger.