Ricci Rivero ikuwento ang naging proposal kay Andrea; 'The one' na para sa kanya


 - Na-interview ni Tito Boy si Ricci Rivero sa kanyang YouTube channel na 'The Interviewer'

- Para kay Ricci, naniniwala siyang si Andrea Brillantes na ang 'the one' sa kanyang buhay

- Ipinaliwanag naman niya ang kanyang naging viral proposal pagkatapos ng laro nila sa UAAP

Nakapanayam ni 'King of Talk' Boy Abunda ang boyfriend ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes, si Ricci Rivero.

Napag-usapan nila sa YouTube channel ni Tito Boy, ang 'The Interviewer', ang naging relasyon nila ni Andrea at ang naging viral proposal niya pagkatapos ng laro nila sa UAAP.

“Is she the one?” tanong ni Tito Boy kay Ricci.

“I think, Tito Boy. I think so, yes," aniya habang tumatango.

Pagkatapos naman nito, ipinaliwanag niya ang naging proposal niya kay Blythe sa SM Mall of Asia Arena pagkatapos ng laro nila sa UAAP.

“Para siyang baril na nakakasa siya pero nakatago siya… alam mo ‘yun… anytime puwede ko siyang gawin pero hindi ko talaga siya gusto, hindi ko alam kung kaya ko siyang gawin, kasi hindi talaga ako yung ganun. First time ko lang mag-girlfriend in public, tapos ganoon pa yung nangyari…” pahayag ng basketball star.

Iba naman daw ang plano niya ngunit hindi sila nagkaintindihan ng kanyang mga kausap. Kaya nauwi sa "Yes or No" shirt ang kanyang proposal.

“Siguro sa akin, ‘yung gusto ko lang ding mapa-feel do’n sa tao na proud ka.”

“Hindi naman mabigat pero sobra ‘yung mixed emotions ko nung time na ‘yon. Grabe ‘yung kaba and ‘yung excitement pero ang nangingibabaw lang talaga is buo na ‘yung loob ko na gagawin ko siya no matter what,” dagdag pa ni Ricci.

No comments:

Powered by Blogger.