Dimples Romana para kay Francine Diaz: "Diba sinabi ko naman sayo, hindi ka muna papasok sa.."

- Kinaaliwan ng netizens ang naging kumento ni Dimples Romana para kay Francine Diaz

- Ibinahagi kasi ni Francine Diaz ang first day face to face class nila sa kaniyang paaralan

- Nag ala Daniela Mondragon kasi siya sa kumento niyang iyon

Kinagiliwan ng netizens ang naging kumento ng aktres na si Dimples Romana sa aktres na si Francine Diaz.

Ibinahagi kasi ni Francine kamakailan lamang ang kaniyang kagalakan para sa pagsisimula ng kanilang faco to face class.

Nag-aaral si Francine Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU), kung saan nag face to face class na rin matapos ang mahigit na dalawang taong virtual class dahil na rin sa pandemya.

“First face-to-face class this year! Felt like a first-timer. It was so nice to finally meet my classmates in person," sabi ni Francine sa kanyang post.

Dito nga ay nagkumento si Dimples Romana kung saan tila ba ay nag-ala Daniela Mondragon siya.

"Cassssiiiieeee…. Diba sinabi ko naman sayo, hindi ka muna papasok sa…. okay okay, pumasok ka na sa school Cassie, I’m a proud ate – Daniela," kumento ni Dimples.

Matatandaan ngang nagkasama sila ni Francine Diaz sa hit Kapamilya Afternoon serye na 'Kadenang Ginto' kung saan gumanap na Cassie si Francine at Daniela naman si Dimples.

No comments:

Powered by Blogger.