WATCH: Barbie Imperial and Debbie Garcia Kamutan, Away sa Bar Video Goes Viral

  

Viral and trending video ng Pilipinas celebrities Barbie Imperial and Debbie Garcia.

Barbie Imperial and Debbie Garcia caught on CCTV having some commotions inside the bar which video became viral and trending online. Kamutan at away sa bar Ang naging hot trending topics sa social media which involve sexy star Barbie Imperial and starlet Debbie Garcia dahil lamang sa ex-boyfriend.


PANOORIN: Sapul sa CCTV ang eksena ng aktres na si Barbie Imperial sa isang bar sa Quezon City.

Isang source ni Abante showbiz columnist Rey Pumaloy ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa panunugod at pananakit umano ni Barbie kay Vivamax star Debbie Garcia.

May kasama itong ilang larawan at video, kung saan ipinakita ni Debbie ang kalmot sa leeg at dibdib.

Nangyari umano ang pananakit ni Barbie noong Biyernes nang magpaalam na si Debbie sa grupo niya para umalis.  

Sinabihan raw umano ni Barbie si Debbie na “Buti umuwi ka na”, “Umuwi ka na”.

Kasunod nito’y hinawakan umano ni Barbie nang mahigpit si Debbie sa braso, at dito na nagkaroon ng gulo ang dalawa na umabot sa sakitan.

Isang marites ang nagkuwento na diumano’y imbiyerna si Barbie kay Debbie dahil nalaman nitong nakikipag-date raw ang huli sa kanyang ex na si Diego Loyzaga. 

Pangalawa na umano itong insidente na ginulo ni Barbie si Debbie.

source: Abante News

No comments:

Powered by Blogger.