Partner ni Jovit nagpost ng ilang larawan na kuha sa araw ng libing ni Jovit
Nagbahagi ng ilang larawan ang partner ni Jovit Baldivino na si Camille Anne Miguel na kuha sa mismong araw ng libing ng singer.
Maliban sa mga larawan, ay nagpost rin siya ng kanyang saloobin matapos ilibing si Jovit.
Sabi niya: "LOVE KO..HINDI KO ALAM PANO ULI AKO MAG SISIMULA NG WALA KNA HNDI KO KAYA SOBRANG DKO KAYA WALANG KASING SAKIT TONG NANGYARE NATO..ALAM MO KUNG PANO KITA ALAGAAN"
"SINCE DAY 1 KUNG PANO KITA GAWIN BABY NA PAGKALIGO MO UNTI MO BRIEF MO AKO NAG SUSUOT PAGTAPOS AY LALAGYAN KITA DEO AT SUSUOTAN NG SHORT AT DAMIT
"PAG NAG CHACHAT AKO PAG NALALATE KA BASTA NAKA CAPSLOCK NKO NG CHAT SAYO NAG MAMADALI KNA UMUWE KASE GALIT NKO
"PANO NGAUN KHT IZOOM KO CHAT KO SAYO AT MAG HINTAY AKO KHT MAMUTI MATA KO WALA NG LOVE LOVE KO NA UUWE SOBRANG HIRAP AT SAKIT
"PERO KAILANGAN KO TANGGAPIN DAHIL AYOKO MAHIRAPAN KPA SA PAG ALIS MO PAG DATING MO SA ER DBA SORRY KA NG SORRY SKEN KASE SINUWAY MKO NA WAG KA KAKANTA SABI MO WAG KITA PAGALITAN
"KHT STROKE KNA YUNG GALIT KO PDN INIINTINDI MO KHT STORE KNA NAPUNASAN MO PA LUHA KO AT SINABING LALABAN KA AT HINTAYIN KITA KASE MAGPAPAKASAL NA TAYO ANG SAKIT LOVE KO ANG DAMI MONG PLANO PARA STEN DALAWA MAHAL NA MAHAL PO KITA KAILAN MAN D MAGBABAGO YUN"
Samantala, inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon si Jovit sa Paradise View Memorial Park sa Rosario, Batangas.
Si Jovit Baldivino ay kilalang singer dito sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nanalo sa reality talent competition show na Pilipinas Got Talent noong 2010.
No comments: