Tamang Pag-Aalaga Ng Paa, Kung May Diabetes Ka!
Kapag ikaw ay may diabetes, napakahalaga na alagaan ang mga paa dahil baka humantong sa mabigat na problema kapag napabayaan mo ito, maaaring ang paa o hanggang hita mo…kaya kwidaw ka.
Dahil kapag ikaw ay may diabetes, mas mapanganib na magkaroon ng sugat o diperensiya sa paa dahil maaaring makapinsala sa ugat at mabawasan ang maayos na pagdaloy ng dugo sa paa. Sa Estados Unidos, naitala na isa sa bawat 5 na may diabetes ang nagpaospital dahil sa sakit o nagka-diperensiya ang kanilang paa. Kaya’t tandaan ang proper care sa paa sundin ang mga sumusunod:
Linisin At Patuyuin Ang Paa Araw- Araw :
* Gumamit ng mild soap.
* Gumamit ng tubig na maligamgam
* Punasan ng dahan-dahan. Huwag kakaskasin.
* Kapag natuyo gamitan ng foot powder o lotion para maiwasang magbitak-bitak. Huwag maglagay ng lotion sa pagitan ng daliri sa paa.
Eksaminin Ang Paa Araw-Araw:
* Suriing mabuti ang paa, sakong, mga kuko, talampakan araw-araw.
* Tingnan kung may nanunuyo at may lamat sa balat ng paa.
* Tingnan kung may kalmot, namamaga o sugat.
* May namumula bang bahagi ng paa, tingnang mabuti.
* Alamin kung may ingrown sa mga kuko.
Alagaan Ang Inyong Mga Kuko
* Magputol ng kuko kapag kapapaligo dahil malambot ang mga ito.
* Gumamit ng matalim na nail cutter para maputol ang kuko. Gumamit ng pampapino.
* Huwag magtipid kung may pambayad naman sa manikurista.
Mag-Ingat Kapag Nag-Eehersisyo:
* Maglakad at mag-exercise gamit ang kumportableng sapatos.
* Umiwas mag-exercise kapag may sugat o maga ang paa.
Palaging Magsuot Ng Medyas At Sapatos:
* Huwag kailanman magpapaa. Palaging proteksiyunan ang paa ng sapatos o tsinelas.
* Iwasan ang mga matataas ang takong o high heels at matulis ang dulo.
* Iwasan ang mga sapatos o sandals na hindi nakatago ang paa.
* Gumamit ng sandalas o tsinelas na maaaring gamitan ng medyas.
* Iwasan ang mahihigpit na medyas at mahihigpit na sapatos o sandals. Payo nga ay dapat ang size ng sapatos ay may palugit na kalahating pulgada sa pinakamalaking kuko sa paa.
Tips Para Sa “Foot Safety”
Upang palaging ligtas ang paa kung may diabetes:
* Kaagad gamutin ang maliit na sugat sa paa.
* Patingnan ang mga malalang sugat at impeksiyon.
* Suriin ang water temperature sa pamamagitan ng siko hindi ng paa.
* Huwag gagamitin ng heating pad sa paa.
* Huag pinagsasalubong ang inyong mga hita.
* Magsadya sa inyong health care provider o podiatrist kung may athlete’s foot; namamanhid ang paa; bunion; ingrown; impeksiyon at iba pang matinding sakit sa paa.
(source: Abante Online)
No comments: