Diabetes
Ang diyabetis ay isang karamdaman kung saan hindi nagagamit nang mabuti ng iyong katawan para sa enerhiya ang kinakain mong pagkain. Kailangan ng inyong mga selula ang enerhiya upang mabuhay at lumaki.
Kapag ikaw ay kumakain, natutunaw ang pagkain sa isang anyo ng enerhiya na tinatawag na glukos. Ang glukos ay isa pang salita para sa asukal. Ang glukos ay napupunta sa iyong dugo at tumataas ang asukal sa iyong dugo. Ang insulin ay isang hormon na ginagawa ng inyong lapay. Tinutulungan nito ang glukos na dumaloy mula sa iyong dugo patungo sa iyong mga selula upang magamit ito ng inyong katawan para sa enerhiya. Hindi mabubuhay ang mga tao nang walang insulin.
Mayroong tatlong pangunahing uri ng Diabetes.
- Sa Type 1 na diyabetis, hindi gumagawa ng insulin ang lapay.
- Sa Type 2 na diyabetis, hindi sapat ang ginagawang insulin ng lapayo hindi nagagamit ng iyong katawan ang insulin na gawa ng lapay.
- Sa diyabetis habang nagbubuntis (gestational diabetes), ang ina ayhindi nakakagawa ng sapat na insulin upang tugunan ang mgapangangailangan ng ina at ng sanggol.
Mga Sanhi ng Panganib para sa Diabetes
Mas nanganganib kang magkaroon ng diyabetis kung ikaw:
- Ay galing sa isang pamilyang mayroong mga miyembrong may diyabetis
- Ay lampas sa edad na 40
- Ay hindi aktibo
- Ay nagkaroon ng diyabetis habang nagbubuntis (gestational diabetes)o nagkaroon ng anak na lampas ang timbang sa 9 na libra (pounds) o 4 na kilo noong ipinanganak
- Ay may lahing Aprikano, Asyano, Latino o Pacific Islander
Mga Palatandaan ng Diabetes
- Sobrang uhaw
- Pagod na pakiramdam
- Madalas na paggamit ng banyo para umihi
- Nanlalabong paningin
- Kawalan ng timbang
- Matagal na paggaling ng mga sugat
- Palaging nagugutom
- Makating balat
- Mga impeksyon
- Pamamanhid o pangingilig sa mga paa at/o mga kamay
- Problema sa sekswal na aktibidad
Madalas na walang palatandaan ang mga tao kahit na ang antas ng kanilang glukos sa dugo ay mataas. Maaari kayong masuri para sa diyabetis sa pamamagitan ng pagsuri ng dugo.
Ang Inyong Pangangalaga
Ang layunin ay upang panatilihing normal hangga’t maaari ang antas ng inyong glukos. Maaaring kabilang sa iyong pangangalaga ang:
- Pagpaplano ng pagkain
- Pagsusuri ng mga antas ng glukos
- Pag-aaral sa mga palatandaan upang malaman ang antas ng iyong glukos ay masyadong mababa o mataas
- Pag-eehersisyo
- Pag-inom ng gamot – insulin o pildoras
- Pagpunta sa lahat ng mga tipanan kasama ang koponang nangangalaga sa iyong kalusugan
- Pakikilahok sa mga klase para sa diyabetis
Kausapin ang inyong doktor, nars o eksperto sa nutrisyon at diyeta upang malaman kung paano pangangasiwaan ang iyong dyabetis.
Source: Health Info Translations
No comments: