Power Duo, pasok na sa grand finals ng America's Got Talent
Matagumpay na nakapasok sa grand finals ng America's Got Talent: All Stars ang dancing duo mula sa Pilipinas matapos ang kanilang nakamamanghang performance noong Enero 23.
Napukaw ng real-life couple na sina Jervin at Anjanette Minor ang puso ng mga manonood at ng mga hurado na sina Howie Mandel, Heidi Klum, and Simon Cowell sa kanilang makapanindig-balahibong aerial at dance floor moves sa "You are the Reason" ni Calum Scott.
Isinalaysay din ng mag-asawa ang kanilang love story sa nasabing episode na isa rin sa naging batayan ng Superfan ng palabas na bumoto para sa kanila na mapabilang sa finals kasama sina Avery Dixon, Aidan Bryant, at ang Bello Sisters.
Ang mga finalist na binoto ng Superfans ay aabante sa susunod na round kasama ang Golden Buzzers Light Balance Kids, Detroit Youth Choir, Mike E. Winfield, at Aidan McCann.
Pinasalamatan naman ng English singer at songwriter na si Calumn Scott ang Power Duo sa pamamagitan ng isang dahil sa paggamit ng dalawa sa kanyang musika.Such a talented wonderful couple. Thank you for using my music to express your art," ani ni Calumn.
Bago mapadpad sina Jervin at Anjanette sa America's Got Talent: All Stars, sila ay tinanghal na kampeon ng ikalimang season ng Pilipinas Got Talent noong 2016 na ipinalabas sa ABS-CBN.
Makalipas ang tatlong taon, sumali ang Power Duo noong 2019 sa Asia's Got Talent kung saan nagtapos ang kanilang journey bilang Top 3, sa likod ng nagwaging Eric Chien at runner-up na si Yaashwin Sarawanan.
Sa kanilang Twitter account ay nagpahayag ng pasasalamat ang Power Duo sa kanilang mga tagasuporta gayundin sa “Pilipinas Got Talent” season 5 judges na sina Vice Ganda, Angel Locsin, dating ABS-CBN president Freddie M. Garcia (FMG) at kay Robin Padilla, na nagbigay sa kanila ng golden buzzer noong 2016 competition.
“We also want to share our success to our Pilipinas Got Talent judges who really believe in our talent from the start,”saad ng dalawa.
No comments: