Jolo Revilla Accidentally Shot Self While Cleaning Gun - Not Suicide
Updates: Jolo Revilla accidentally shot self while cleaning his firearm on February 28, 2015. Jolo is in serious but stable condition. Tumagos ang bala sa likuran ng aksidenteng nakalabit ni Vice Gov. Jolo Revilla ang kanyang government issued firearm.
Serious but stable - ito ang kondisyon ngayon ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla matapos magtamo ng tama na bala ng baril nitong Sabado.
"Serious po (ang kondisyon) kasi siyempre po 'pag nabaril po kayo, hindi naman ho pupuwede itong ibalewala. ... Meron po siyang mga internal injuries pero nakausap ko siya, nakita kong lucid siya, coherent, nakakausap, nakakasagot naman sa mga tanong," pagbahagi ni Atty. Raymond Fortun, tagapagsalita ng Pamilya Revilla sa panayam ng DZMM.
Kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng Asian Hospital si Revilla at sa pagkakaalam ni Fortun, nakatakda itong sumailalim sa isang minor surgery para linisin ang tinamaang bahagi ng katawan at makaiwas na rin sa impeksyon.
Tumanggi muna si Fortun na sabihing 'out of danger' na ang opisyal. Hintayin na lamang ang assessment ng doktor.
Salaysay ni Fortun, batay sa pagkausap niya kay Jolo, alas-9:00 Sabado ng umaga nang dumating siya sa bahay ng kanyang ama at hinihintay ang inang si Rep. Lani Marcado-Revilla para tumulak sa isang lakad.
"Habang naghihintay naisipan niyang linisin ang kanyang government issued na firearm. Ito po'y isang glock 40 na handgun. Nagkamali po talaga siya, hindi niya namalayan habang nililinis niya, nakalabit niya ata yung trigger.
"Sa akin pong pagkakaintindi, hindi yata nasilip na mayro'ng isang bullet na nandu'n pala sa chamber."
Pumasok anya sa kanang dibdib ng batang Revilla ang bala at lumabas din sa likuran nito.
"The only thing that he (J. Revilla) told me is that, ' ito Attorney nagkamali ako'."
Naniniwala naman si Fortun na "hindi ho ito parang napaka-unusual or extraordinary. It really happens na mayroong ganitong klaseng sakuna at hindi naman talaga ito sinasadya."
Depresyon?
Sa obserbasyon ni Fortun, hindi naman niya napansing naging malungkot o depressed ang bise gobernador.
Ito'y kasunod ng pahayag ni Lolit Solis, talent manager ni Lani Marcado, na dumadanas ng depression ang batang Revilla dahil sa sinapit ng amang nakadetine sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.
"Nakausap ko mismo din naman si Jolo kagabi, wala naman siya pong binabanggit sa akin na siya ay depressed nu'ng nangyari 'yun at nakausap ko rin naman 'yung kanyang nanay at ganun din naman po ang sinasabi sa'kin," ani Fortun.
Batid anyang malapit si Jolo sa kanyang ama at posibleng apektado ito sa akusasyon laban sa amang senador pero usaping pulitika ito na inaaksyunan na ng panig ng Revilla.
"There is no immeditate threat para ang isang tao ay bumagsak sa depresyon at gumawa ng isang bagay para ikasakit ng kanyang katawan.
"Wala po talagang basis po para mag-isip ang tao na ito ay self-inflicted wound or ginawa niya nang intentional."
No comments: