Bakit Ba Ako Napapanot o Nakakalbo?
Ang normal na tao ay nalalagasan ng halos 50 hanggang 100 buhok kada araw. Hindi ito nagdudulot ng pagkapanot dahil mayroon din namang tumutubong bagong buhok. Ang pagkapanot ay nagaganap kapag nasisira ang normal na cycle ng pagpapalit ng buhok o kapag nasira na ang hair follicle at napalitan na ng scar tissue.
Narito ang ilang dahilan kung bakit napapanot o nakakalbo ang isang tao
- Namamana sa inyong pamilya. Maaaring napapansin mo na lahat ng mga lalaki sa inyong pamilya ay napapanot at ang mga babae ay mabilis na nagiging manipis ang buhok. Ang pattern baldness na namamana sa mga lalake ay maaaring magsimula kahit teenager pa lamang
- Maaaring dahil sa hormonal changes o iba pang sakit sa iyong katawan. Maaaring dahil ikaw ay may problema sa thyroid kaya nagging manipis ang iyong buhok. Maaaring mayroon kang alopecia areata kung saan ang iyong immune system ay inaatake ang iyong hair folicles kaya ka nakakalbo. Ang pagkakaron ng impeksyon sa anit tulad ng buni ay maaaring magdulot ng pagkakalbo sa isang bahagi ng bhok. Ang hair pulling disorder kung saan ang isang tao ay hindi mapigilan na bunutin ang kanyang buhok ay maaari ring magdulot ng pagkakalbo
- Maaaring magdulot ng pagkakalbo ang mga gamot o procedure na ginagawa sa iyo. Ang mga gamot para sa cancer, arthritis, depression, sakit sa puso, high blood at birth control ay maaaring magdulot ng pagkalagas ng buhok.
No comments: