Bakit nakakaranas ng sleep paralysis?
Sino ang nakaranas na ng sleep paralysis? Ang sleep paralysis ay isang kondisyon kung saan hindi mo maigalaw ang iyong katawan kahit na gising na ang iyong diwa. Hindi ka makapagsalita o makagalaw sa loob ng ilang minuto. Kadalasan agad kang kakabahan kapag naranasan ito. May ilang tao na nakakaranas na parang may sumasakal o dumadagan sa kanila. Nangyayari ang sleep paralysis kapag ikaw ay kakatulog pa lang o kapag ikaw ay malapit ng magising. Indikasyon ito na hindi maayos ang transition mo sa iba't ibang stages ng pagtulog.
4 sa kada 10 tao ang nakakarnas o nakaranas na ng sleep paralysis. Isa itong common na conditon na unang nararanasan sa iyong teenage years. May mga factors na maaaring magdulot ng sleep paralysis tulad na kakulangan sa tulog, pabago-bagong oras ng tulog, pagkakaroon ng bipolar disorder, pag-inom ng ilang gamot para sa ADHD at paggamit ng droga.
Ayon sa pag-aaral, walang ebidensya na maaari kang mamatay mula sa sleep paralysis. Hindi kailangang matakot sa sleep paralysis. Huwag isipin na mayroong dambuhalang babae na dadagan sa iyong katawan para patayin ka. Siguraduhin lang na magkaroon ka ng sapat na tulog. Iwas sa stress lalo na bago matulog. Kapag laging nakakaranas ng sleep paralysis, kumonsulta sa inyong doktor.
No comments: